INARESTO ang 10 drug user ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ikinasang buy-bust operation, kahapon nang madaling-araw sa Barangay Rosario, Pasig City.
Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Jhonard Dela Rosa y Sarian, 27-anyos, residente ng Rodriguez Compound, Tramo, Rosario; Reynan Perez y Bacsa, 29, construction worker ng Saint Ann Maria Corazon, Cupang, Antipolo; Grinco Real y Tugbong, 20, Victorino Ext, Santolan; Ruel Arsenio y Plata, 35, Santolan; Rowell Joseph Abalos y Ymasa, 36, ng Kalakhan St., Santolan, Pasig City.
Arestado rin sina Jerome Dumanais y Calumpiano, 21, residente ng 1st St., Phase 1, Sto. Domingo, Cainta, Rizal; Jason Beniopa y Portuguez, 22, Marcelino St., Tawiran Ext., Santolan; Jimboy Edmilao y Canlas, 19, Marcelino St., Tawiran Ext., Santolan; Darell Alfonso y Lansangan, 23, Sitio Villa Ynares, Bagong Nayon, Antipolo City at isang Alex, 15, ng Phase 1, Sto. Domingo, Cainta, Rizal.
Ayon kay PCpt. Allan Hernandez, hepe ng DDEU, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5, 11, 13 at 14 Art II ng RA 9165 ang mga suspek matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation bandang ala-1:30 Linggo nang madaling-araw sa 2730 Rodriguez Compound, Tramo, Rosario, Pasig City.
Isang pulis ang nakipagtransaksyon sa isa sa mga suspek para makabili ng shabu at doon na namataan ang pot session ng mga suspek kaya agad na dinampot.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang gramo ng shabu na nasa P34,000 ang halaga ng 11 piraso ng small transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang sachet ng shabu na ibebenta at P500 buy-bust money at shabu paraphernalia.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)