Labindalawang empleyado ng Manila City Hall ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang rapid test sa mga empleyado nito noong Lunes bago sila magsimula sa trabaho.

Nalaman sa Manila Health Department(MHD) na ang 12 kawani ay kabilang sa may 743 empleyado ng pamahalaang lungsod na dumaan sa naturang screening mula noong Lunes.

Nabatid na isinalang sa confirmatory swab testing ang 4 sa 12 kawani, habang hinihintay pang makuhanan ng sample ang 8 sa kanila.

Nalaman na patuloy na isinasailalim sa rapid test ang mga empleyado bago sila payagang makapagtrabaho.

Mayroon pa umanong 960 aktibong kaso ng COVID-19 ang Maynila habang 436 naman ang nakarekober na sa virus.

Nasa 1,414 ang bilang na itinuturing na mga suspected cases at 60 ang probable case. Nasa 104 nman ang mga nasawing pasyente dahil sa coronavirus, base sa pinakahuling data nitong Hunyo 3. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 × three =