KAPOS pa rin ang bilang ng mga psychiatrist kumpara sa dami ng mga pasyente na may diperensya sa pag-iisip.

Kaya nananawagan ng suporta mula sa mga eksperto at mental health professional sa bansa si Antipolo City Rep.
Cristina ‘Chiqui’ Roa-Puno para siguradong ma­ging matagumpay ang implementasyon ng bagong batas na Mental Health act.

“I am calling on all mental health and allied mental health professionals, especially those in the private sector, to support the Mental Health Law and lend their expertise to those needing mental health services,” apela ni Roa-Puno, isa sa principal author ng Philippine Mental Health Law.

Binanggit ng solon na base sa mga ulat, ang ratio sa Pilipinas para sa kada isang psychiatrist ay katumbas ng 250,000 na mentally ill patient.

Malayo umano ito sa 1:50,000 na ideal na ratio.

“The enactment of the Mental Health act is only the beginning. We need more mental health professionals who will extend their expertise to Filipinos battling mental illness,” pahayag ng lady solon.

Umaasa ang kongresista na sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Mental Health Law ay mas maraming institusyon ang mag-aalok ng post-graduate trai­ning sa psychiatry.

Sa kasalukuyan ay mayroong 13 institus­yon sa bansa na may akreditasyon mula sa Philippine Psychiatric Association (PPA) na nag-aalok ng post-gra­duate psychiatric trai­ning.

Walo sa mga ito ang nakabase sa Metro Manila, habang ang lima ay nakakalat sa iba’t ibang rehiyon.

Ang Republic Act No. 11036 ay nilagdaan­ ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hunyo 20.

Sa pamamagitan ng naturang batas ay inaasahang mas magiging accessible na ang mental health service sa mga Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eight + 5 =