Naisakatuparan na ng Nestlé Philippines ang paghahatid ng mga Kasambahay Kits na bahagi ng kanilang P500 million Kasambuhay ng Pamilyang Pilipino program.

Nabatid sa Nestlé Philippines na ang mga Kasambuhay Kits na naglalaman ng mga produkto ng Nestlé ay nai-deliver na sa mga local government units (LGUs) at non-government organizations (NGOs), gayundin sa Department of Agriculture sa Region 10 at 12 ay napakinabangan na halos isang milyong pamilya sa 100 siyudad at munisipalidad sa buong bansa.

Patuloy din ang distribusyon ng Kasambuhay Kits sa National Capital Region, ilang lugar sa Luzon, Visayas, Mindanao kabilang ang mga mga lugar kung saan may Nestlé. Kasama rin sa mga benepisyaryo ang pamilya ng 10,000 coffee farmers’ sa Bukidnon at Sultan Kudarat sa ilalim ng Nescafé Plan.

Katuwang ang Caritas Manila sa distribusyon.

Matatandaang Abril nang ilunsad ang Kasambuhay ng Pamilyang Pilipino ng Nestlé Philippines kung sana ay nagsimulang mamigay ng mga produkto ang Nestlé sa ilang LGUs, gayundin sa libu-libong mga healthcare workers at iba pang frontliners.

“The bond between Nestlé and Filipino families involves a heritage of trust which goes back 109 years. Nestlé has become part of their daily lives through many generations. We believe it is only fitting that during this challenging period, we have mounted this initiative to share our products with those who are most affected by COVID-19,” ayon kay Nestlé Philippines Chairman at CEO Kais Marzouki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

six − one =