Nais ng abogadong naghain ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ipatawag din ng House committee on justice ang dalawang psychiatrist na nagbigay ng psychological examination sa punong mahistrado noong nag-a-apply pa lamang ito sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon sa Supreme Court (SC).
Ayon kay Atty. Lorenzo Gadon, plano niyang maghain ng mosyon sa Kamara dahil mahalagang maisiwalat din ang tunay na dahilan kung bakit hindi ni-renew ni Sereno ang kontrata ng dalawang psychologist nang maupo na ito bilang chief justice.
“Right after she assumed the position of CJ this 2 psychologist were terminated, hindi na-renew ang contracts nila despite the fact that this psychologist had been conducting psychological exams for so many years successfully, that includes the psychological exams of the candidates for the SC, CA, and lower courts,” paliwanag ni Gadon sa isang forum sa Quezon City.
Isa sa kanyang nasisilip na posibleng dahilan kung bakit tinanggal ang dalawang psychiatrist ay bagsak aniya ang grado na ibinigay ng mga ito kay Sereno.
“Ang findings kasi noon kay Sereno, ang score ay 4, passing grade is 1, mababa ‘yun bagsak ‘yun dahil ang highest grade is 1. So ‘yung 4 is still bagsak ‘yun.
In fact, ‘yung findings doon she is not psychologically fit to become chief justice,” ayon kay Gadon.