PINUWERSA ng coronavirus ang new normal sa apat na sulok ng mundo, sa pang-araw-araw na buhay.

Paano naman nabago ng COVID-19 ang PBA, ano ang pamamalakad ng Asia’s first play-for-pay league sa ilalim ng new normal?

Hihimayin ‘yan ni commissioner Willie Marcial ngayong Martes (June 9) sa webcast edition ng PSA Forum.

Ibabahagi ni Marcial, long hair na at mukhang hindi rin nakipag-appointment sa kanyang salon mula nang kanselahin niya ang PBA noong March 11, ang balakin ng liga at kung may tsansa pang ma-salvage ang Season 45 kahit sa isang conference lang.

Makakasama ni Marcial sa 10am session si PBA deputy commissioner at operations manager Eric Castro para isa-isahin ang all-out campaign ng liga sa season.

Live na mapapanood ang weekly Forum sa PSA Facebook page (fb.com/PhilippineSportswritersAssociation) at Facebook page ng Radyo Pilipinas 2.

Ang session ay hatid ng Smart, San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant at PAGCOR. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

20 − 2 =