Nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) ang siyam na overseas Filipino workers (OFW) na umuwi sa Western Visayas noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Bukod sa kanila, 2 pang residente sa Arevalo district, Iloilo City ang nagpositibo rin sa virus. Dahil dito, umakyat sa 91 ang kabuoang kaso ng of COVID-19 patient sa Western Visayas ayon kay Dr. May Ann Soliva-Sta. Lucia, head ng DOH Region 6’s Health Promotion division.

Sa ulat na nilabas ng kagawaran, nasa isolation na sa mga quarantine facility ng kani-kanilang local government unit ang siyam na OFW na mula sa Nueva Valencia, Guimaras; Mandurriao, Iloilo City; La Castellana at Escalante City sa Negros Occidental; Laua-an, Tobias Fornier, at Hamtic Antique; at dalawa pa mula sa Bacolod City.

Habang ang dalawa mula sa Arevalo ay inoobserbahan rin. Dito, sinailalim ang Brgy. Sto. Niño Sur sa lockdown makaraang makapagtala ng local transmission ng virus. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 × 4 =