Kinilala umano ng Department of Health (DOH) ang ABS-CBN dahil naging mahalaga ang papel nito bilang kapartner ng ahensya sa paghahatid ng impormasyon sa publiko ngayong may COVID-19 pandemic.

Sabi, sumulat daw ang DOH sa ABS-CBN para mag-thank you sa pagbibigay ng network ng libreng air time sa ahensya. Binanggit din daw ng DOH sa liham na bukas daw ito sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN at mga artista nito.

Sayang nga lang dahil ipinadala raw ang naturang liham sa ABS-CBN bago ipasara ng National Telecommunications Division (NTC) ang network. Alam na kaya ng NTC ito?

Well kung nasa ere lang ang ABS-CBN, malaki sana ang maitutulong nito sa DOH.

Well, puwede kayang sabihan ng DOH ang NTC na mahalaga ang papel ng ABS-CBN sa panahon ngayong kailangan ng ating mga kababayan ang balita.

Nanguna talaga ang network sa pagbibigay ng latest updates mula sa DOH tungkol sa COVID. Pero magmula nang maglabas ang NTC ng cease and desist order laban sa ABS-CBN, maraming mga Pilipino ang nawalan ng source ng balita, lalo na ang mga lugar na ABS-CBN lang ang nasasagap sa TV.

Sa kasalukuyan, nagkakaisa ang Kapamilya stars sa pagtatanggol sa network online, at walang may alam kung kailan makakabalik sa ere ito. Marami ang nagdadasal na mawalan ng bisa ang cease and desist order ng NTC o kaya ay asikasuhin na ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN, dahil sa panahong itong may pandemic, mas kailangan at mas mabuti para sa mga Pilipino ang mas maraming mapagkukuhanan ng balita at impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 × four =