Isa pang nakakatuwang uri ng physical activity at yoga ay ang Aerial Yoga o Anti-gravity. Ito ay kombinasyon ng traditional yoga asanas, acrobatics, at dance moves done suspended in the air gamit ang yoga hammock o yoga swing.

Maliban sa nakakapawis ito ay nakaka-relax ang istilo nitong upside down.

Sa simula, parang nakakatakot itong subukan. Katulad ng ibang uri ng physical activity ang Aerial Yoga ay ligtas hangga’t matutunan mo na may guidance mula sa isang certified instructor at tiyaking medically cleared para mag-exercise. Ano nga ba ang mapapala natin sa type of exercise na ito? Ako personally love ko ‘to dahil sa dalawang dahilan; utherapeutic benefits at workout.

Ang suspensyon mula sa hammock ay nakakawala ng pressure sa katawan. It decompresses your spine by creating space in your joints while you are upside down.

May S-shape scoliosis kasi ako at ang spine ko ay nako-compressed dahil sa gravity kaya naman natutulungan nitong mawala ang aking back pain sa pamamagitan ng pag-upside down. Magandang opportunity ito para ma-practice ang asanas na mahirap gawin sa ground tulad ng inversions like headstand. Wala naman itong pressure sa ulo, spine, kaya maiiwasan ang neck at back pains. Bukod sa therapeutic and relaxing aspect nito, pwede kang magpractice ng buong yoga flow just like what you do on your mat with a little bit of twist doing it suspended. Of course, muscle engagement ay kailangan kaya asahang lalo kang lalakas. Damang dama ko ang core and upper bodyworkout sa aerial yoga. Tulad ng ibang yoga, hindi mawawala ang stretching part dito at ang breathing. Importanteng you connect your breath to your movements, go deeper into the pose and hold it for a longer time. Sa simula dahil sa takot, mapapansin mong nagstiffen ang iyong katawan. Pero kapag nagsanay sa pamamagitan ng paghinga hanggang sa unti-unting pagpapakawala ng hininga. Tiyak na mae-enjoy ang ganitong anyo ng exercise. It’s truly fun to be free and flying.

Ginagawa namin ito ng aking anak at enjoy na enjoy siya.
Isa ito sa maraming aktibidad sa ating “must try” list ngayong panahon ng covid-19 pandemic.
*
Let me know your thoughts and feel free to drop me a DM sa IG @thera.peach. Namaste! Stay home, stay safe and healthy!!!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 × 2 =