Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 16, 2020

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: JODI SANTAMARIA

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ikaw ang taong sumusunod sa payo na hindi mo naman kusang hinihingi. Pero mas papabor sa iyo kung pakikinggan mo ang sinasabi ng isang taong malapit sa iyo. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Wag solohin ang kredito sa isang joint effort. Importante ang nagawa mo pero hindi mo ito makukumpleto kung ikaw lamang ang mag-isang nag-isip at kumilos. Kilalanin ang taong umalalay sa iyo. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June20) – Habang pinipilit mong kunin ang kasagutan tila mas lalo lamang nagiging mailap ito. Umatras ka muna. Ibibigay ito sa iyo sa tamang pagkakataon. Lucky number for today: 29

CANCER (June 21-July 22) – Isang sitwasyon na pilit mong binabalewala ang hindi na puwedeng iwasan pa. Gawin ito ngayon at masosorpresa ka pa sa magiging resulta. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – Walang dahilan para patuloy mong itago ang tunay na nararamdaman. Hindi mo naman ito dapat ikahiya kaya gawin na ang nararapat. Lucky number for today: 21

VIRGO (August 23- September 22) – Mahirap makasundo ngayon ang mga taong nakatatas sa iyo ng posisyon. Sumunod muna bago kumontra. Kailangang mapatunayan mong hindi mo tinatakasan ang anumang responsibilidad. Lucky number for today: 50

LIBRA (September 23- October 22) – Nararamdaman mong meron ka pang dapat mangyari pero habang inaalam mo ito lalo lamang nagiging mailap ang impormasyon. Magpokus muna sa ibang bagay. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi lahat ng nangyayari sa iyo ay negatibo. Masyado lamang itong pinalalaki ng iyong isip. Makabubuting magpokus sa mga positibo at nang gumaan ang pakiramdam. Lucky number for today: 10

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kung may ipinapagawa sa iyo ang mga taong nasa mataas na posisyon, piliting magpakita ng interes. Ang isang bagay na minamaliit mo ay puwedeng magbigay ng mas malaking benepisyo. Lucky number for today: 3

CAPRICORN (December 22-January 19) – Wag matakot magtanong kung kailangan mo ng payo at gabay. Hindi ito pagpapakita ng kahinaan. Nais mo lamang makaiwas sa mga kapalpakan. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wag nang magsayadong magpaka-stress kung may isang taong nasa posisyon na masyadong pahirap sa buhay mo. Mas lalo kang matatalot kung mauunahan ka ng pagkapikon. Lucky number for today: 52

PISCES (February 19-March 20) – May makakarating sa iyong impormasyon na makakatulong sa mga plano mo. Kung may oportunidad, gamitin ito dahil sa ngayon lahat ay pantay-pantay na sa laban. Lucky number for today: 20