Lahat tayo ay natututo muli na maging malinis, sa sarili at sa ating kapaligiran, lalo na sa panahon ngayon na hindi natin nakikita ang ating kalaban, ang Covid 19 o Coronavirus. Pinaaalalahanan tayo kung paano malabanan ang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagiging at pananatiling malinis. Para tayong mga bata na tinuturuang maghugas ng kamay ng sabon at tubig palagi dahil sa pamamagitan nito, mamamatay ang virus at hindi na makakalipat pa upang mahawa tayo. Kung walang tubig at sabon, maaaring aging alternatibo ang mga hand sanitizers, o di kaya ang alcohol, 70% isopropyl alcohol. Hindi lang magagamit sa ating mga kamay, maaari din magamit pang disinfect ng mga bagay bagay. Ito ang dahilan kaya may nakalagay sa mga bote na for “external use only”. Ibig sabihin ginagamit ito sa labas ng katawan ng tao.
Ang problema may mga nagsasabi na hindi lang dapat malinis ang labas ng katawan natin at dapat malinis din ang looban kaya iniinom ito. Kundi man ay lumalagok ng madaming alcoholic beverage o alak sa paniniwalang ito ang makakapugso ng covid virus. Ito ay hindi dapat gawin dahil maaari pang makasama sa katawan at huwag naman sana ikamatay natin.
Sa totoo lang ang alcohol ang dahilan ng mga halos 3 milyong namamatay sa buong mundo. Ang paginom ng maraming alcohol ay unang una mas nagbibigay ng panghihina ng ating immune system na maaaring mas mahawa, hindi lang ng covid, kundi maski anong karamdaman pa. Pati ang ating pagiisip ay maaaring maapektuhan, kaya lumalala ang kundisyon ngayong naka lockdown tayo. Mas mamarapatin na dapat tayo ay alerto sa mga panahon na ito. Ang unang tinatamaan ng covid ay ang baga at daanan ng hangin natin, tinatawag na pulmonary system.
Gusto natin linawin na ang pagdisinfect gamit ang 70% isopropyl alcohol ay hindi katumbas ng anumang alcoholic beverage. Hindi magkatumbas ang Sa ating paginom, mula sa lalamunan ay tutuloy ang ininom sa esophagus papunta sa tyan at bituka. Hindi ito dadaan sa ating daanan ng hangin dahil may proteksyon ang katawan natin dito. Ang inom at pagkain sa tyan, ang hangin sa baga. Protektado ang bukana ng daanan sa hangin dahil hindi pwedeng malagyan ng maski anong bagay, solid man o liquid. Malalaman natin ito kung tayo ay nasasamid. May maliit na parte ng pagkain o di kaya patak ng inumin na pumasok sa daanan ng hangin. Ang reaksyon ay tinantawag na cough reflex. Pansarili nating proteksyon ng ating katawan, tulungan natin talagang maprotektahan ang ating katawan.
Hanggang sa susunod na Martes! Stay safe!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.