Handa na talagang bumalik sa trabaho, o bumalik sa reyalidad ang vlogger-actress na si Alex Gonzaga dahil hayun nga at ipinagmalaki niya ang resulta ng kanyang rapid test kung saan negatibo siya sa COVID-19.

Hindi maitanggi sa mga post ng aktres ang excitement na finally back to work na siya. Dalawang buwan din kasi siyang nanatili sa bahay dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ngayon naman na GCQ na ang Metro Manila, marami na ang back to reality.

Sa iba pang post ni Alex sa kanyang Instagram story, makikitang nasa labas na ito para nga magtrabaho pero nakasuot pa rin siya ng face mask at face shield bilang pag-iingat. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

6 + eight =