Dear Dra Holmes:
I have a son who was diagnosed of a bipolar affective disorder..how can we handle this problem? Cristina Suarez
Dear Mrs. Suarez:
Maraming salamat po sa inyong sulat. Impormasyon lang ang mabibigay ko sa inyo, dahil ang talagang kailangan ng anak ninyo ay psychiatrist na makakapagreseta sa kaniya ng gamot. Ang bipolar disorder po kasi ay tila mas resulta ng iilang namamana (nurture), kaysa resulta lamang ng mga nangyari sa kaniya.
Dahil dito, dahil malaking kontribusyon ang mabibigay ng gamot (kahit na mayroon akong nabasa ng iilang tao na nakaka-cope sa kanilang bipolar disorder ng walang gamot.)
Ok po ba na magtanong ako sa inyo para mas maintindihan ko ang situwasyon ng anak ninyo?
Ilang taon na po siya? Eto po ba ang unang beses nagkaroon siya ng episode? Inaasahan ko po na iningatan niya ang kaniyang sarili, at kayo rin po sana. Hindi po madali magkaroon ng anak na may bipolar disorder, at inaasahan ko na mas malalim ang pagkaunawa ninyo sa isa’t isa ngayon na nangyari ito. Inaasahan ko rin po na mas magiging matibay ang inyong pagmamahal para sa isa’t isa. Ingat po — MG Holmes
Dear Dra Holmes:
20 yrs old po..first time po..graduating po sya sa UPLB. Dopamax tablet half tablet po once a day ung nireseta po sa knya..di po namin sya masupervise kasi dito po kmi sa Sagada nakatira. Sya po mismo nagsabi na ipacheck up sya kasi..nagseself harm na po sya..sabi po nya di nman daw sya suicidal pero sobra po kaming nag aalala..
Everyday na po nmin sya tintawagan..pipilitin din po ng papa nya na madalaw sya every month.
Social worker po at psychiatrist po ang nakausap na po nya..this January 3 lang po sya nagpacheck. Ung psychiatrist po ang nagreseta…TO BE CONTINUED
Sulatan si Si Dra Holmes sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes o http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.