Ang paningin natin ay isa sa napakaimportanteng pandama o senses ng ating katawan. Lima lahat ang mga ito. Kabilang ang pandinig, pang-amoy, panlasa, at pakiramdam ng hawak. Kani-kaniyang kahalagahan ngunit ang paningin ay natata­ngi. Natural na makikita natin ang kagandahan na ating paligid at ng mga mahal natin, ngunit mas mahalaga, makita ang mga detal­ye ng mga kaila­ngan natin. May kasabihan na “beauty is in the eyes of the beholde­r”. Paano kung ‘di na nakakakita? Madalas bina­balewala natin ito, at ‘di nararamdaman ang kahalagahan hanggang mawala sa atin at tayo ay mabulag.

Maraming sanhi ang maaaring mangyari at maging dahilan. Ilan sa mga kabilang dito ang talakayin natin. Madalas panlalabo ang isa sa mga sintomas na mararamdaman. Error of refraction ang tawag dito. Ang hugis ng ating mata ang nagiging dahilan at may iba’t ibang klase ito. Myopia o nearsighte­d. Mas klaro ang nakikita sa malapitan. Ito ang pinakamadalas ma­kita. Hyperopia o farsighted­ness.

Kabaliktaran naman, mas klaro ang nakikita sa malayuan. Astigmatism naman kung may kurba ang lente ng mata. Mayroon din na ang dahilan ay sa pagtanda ng tao. Presbyopia ang tawag dito. Mahirap magkaroon ng mga sintomas na ganito.

Ang maganda ay nagagawan ng paraan ito. Treatable. Salamin lang ang katapat para maa­yos o correct ang mga depormidad ng mata. Mga kasamahan nating Optometrists ang makakatu­long sa atin. Tinitingnan nila ang ating mata at pinapatungan ng iba’t ibang lente para malaman ang pinakaangkop na sukat at magagawan nila tayo ng salamin.

Ang mas nakakabahala ay ang magposibleng maging dahilan ng pagkabulag at tuluyang mawalan ang ating paningin. Katarata ang pinakamadalas.

Nagkakaroon ng paninigas ng lente ng mata kaya hindi na nakakakita.

Ang isa pa ay dahil sa karamdaman na diabetes kaya nagkakaroon ng diabetic retinopathy o ‘di kaya tumataas ang presyon ng mata kung tawagin ay glaucoma. Ilan ito sa mga kondis­yon na hindi dapat lumala dahil kung umabot sa hantungan ay wala nang lunas ang pagkabulag. Kailangan natin dito ang magkaibigan nating Ophthalmologists. Sila ang makaka­gamot at kung kinakailangan ay makakaopera para maagapan at mu­ling makakita nang mabuti ang may kapansanan.

Maraming bagay ang madalas nating binabalewala, huwag ang a­ting mga mata at ang ating paningin. Sa oras na nagkakaproblema ito, agad na nating ipatingin. Kadalasan ay maaagapan at maaayos pa. Huwag maging malabo kung nanlalabo ang pa­ningin. Huwag hintayin na wala nang magagawa pa at tuluyang mabulag.

Hanggang sa susu­nod na Martes!

***

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopae­dic surgeon, nutrigeno­mics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specia­lists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speake­r sa iba’t ibang talaka­yan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

6 + six =