Nais kong purihin ang lahat na masigasig na nakipagtulungan sa gobyerno at sumunod sa minimum na mga protocol sa kalusugan nang higit sa 70 araw noong tayo ay nasa kuwarentena.

Ang inyong mga sakripisyo ay nakatulong nang malaki sa pagbagal ng pagkalat ng COVID-19. Kung hindi natin sinunod ang mga protocols ng kuwarentina at ang pinakamababang pamantayan sa kalusugan na itinakda ng ating kagawaran ng kalusugan, marami sa atin o higit pa sa kasalukuyang mga numero ay nagkasakit.

Dahil sa ating mga sakripisyo ang ating bansa ay nagkaroon ng oras upang ihanda ang ating kritikal na kakayahan sa pangangalaga upang pigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ang isang pinahusay na kritikal na kapasidad ng pangangalaga at pagpapabagal ng pagdodoble ng kaso sa kadahilanang panlipunan, pang-ekonomiya at seguridad ay nagbigay daan sa pagtanggal ng gobyerno sa mga paghihigpit sa kwarentina sa maraming bahagi ng bansa Napagdaanan natin ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa maibaba ito sa modified ECQ, at ngayon ay nasa ikalawang araw na tayo ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Ang pinakabagong IATF Resolution na inaprubahan ng Pangulo ay naglagay sa mga sumusunod na lugar sa ilalim ng GCQ mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15: Pangasinan, Rehiyon II, Rehiyon III, Rehiyon IV-A, Rehiyon VII, Zamboanga City, Davao City at ang National Capital Region (NCR). Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ hanggang Hunyo 15.

Anong ibig sabihin nito? Para sa marami na nagtatrabaho sa mga pinapayagan na sektor at industriya, ang paglipat sa GCQ / MGC ay nangangahulugang nang pagbabalik sa trabaho pagkatapos ng higit sa dalawang buwan na kuwarentena sa bahay.

Alam kong mahirap para sa marami sa inyo na bumalik sa trabaho, lalo na sa mga commuter na nahihirapan na sumakay sa pagpunta sa kanilang mga lugar ng trabaho. Pasensya na po. Hinihiling ko ang iyong pasensya at pag-unawa habang ginagawa ng inyong pamahalaan ang pinakamahusay na paraan para tulungan ang lahat na lumipat mula sa paghihigpit sa kuwarentena nang hindi sinasakripisyo ang ekonomiya ng ating bansa at ang kalusugan ng ating mga kababayan. Sana ay maunawaan ninyo na hindi namin pinahihintulutan ang lahat ng mga pampublikong sasakyan na pumasada kaagad habang isinasaalang-alang pa rin namin kung paano mapapanatili ang minimum na mga pamantayan sa kalusugan sa pampublikong transportasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Magtiwala kayo sa gobyerno habang ito ay nagtatalaga ng mga interbensyon at hakbang sa pagsunod sa minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino. Nagpalabas na kami ng mga patnubay na nararapat sa mga lugar ng trabaho, employer, at manggagawa, pampublikong transportasyon, at iba pa.

Tulad ng nasabi ko sa maraming mga okasyon, dahil wala pa ring bakuna para sa nakapangingilabot na virus na ito dapat tayong magpatuloy na magingmaingat. Ang gobyerno ay hindi kayang labanan ng magisa ang COVID-19. Kailangan namin ang pinagsamang pagsisikap ninyong lahat.

Patuloy nating suportahan ang ating mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga protocol ng kuwarentina. Alalahanin natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga face mask, pagpapanatili ng physical distancing, pananatili sa bahay, pag-iwas sa mga masisikip na lugar, at paglabas lamang kung kinakailangan. Pagkatapos lamang nito tayo makakabangon at makapagpapagaling bilang isang buong bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

1 × two =