abante-paistaran-dondon-sermino

Bukod sa dyowang si Neil Arce, at sa tatay niya, may isa pang kinababaliwan si Angel Locsin, na sobra-sobrang nagpapaligaya sa kanya.

Kaya naman pagdating na pagdating ni Angel mula sa Panag­benga Festival, na kung saan ay rumampa, nagparada nga sila kasama ang iba pang artista ng “The General’s Daughter,” agad niyang hinagilap, nilaro ang kinaba­baliwan niyang ‘yon.
Ano nga ba ang kinababaliwan ni Angel?

“Just got home to this cutiepatootie amishyoo pwetpwet! We had a great time at the parade, Baguio! Salamat po will post more photos tomorrow 🙂 sa ngayon, quality time muna with this one and will read my script for tomorrows TGD ta­ping, nyt guys!” sabi ni Angel.

Yes, isang pet dog nga ang kinababaliwan niya, at ang bongga ng name, ha! Kaya super aliw ang mga fan ni Angel, lalo na sa itsura ng dog, at sa name nito.

Ang dami ngang fan agad-agad ni “Pwetpwet” oh.

mikhail_davidreyes Oh it’s pwetpwet. I miss her.”
soldumanig “Hala ang cute naman ni pwetpwet…naalala ko tuloy ang aso kong si. Chabbie.”
jasssmineann @abbydublado pwetpwet!!
jejeapuhin “Wow! naka diaper.”
juliealdana45 “So adorable.”

The Bloomfields live sa Abantelliling ngayon

Excited na ang mga manonood ng “Abantetelliling,” at mga fan sa pagdating ng The Bloomfields sa opisina/studio ng Abante nga­yong hapon, dahil bukod sa pagkaguguwapo nila, ang huhusay pa sa kantahan at tugtugan.

Kaya umaatikabong tugtugan, kantahan ang magaganap ngayong hapon sa “Abantelliling.”

Ang The Bloomfields ay Pinoy band na heavily influenced by 1960s music, at binubuo nina Rocky Collado, Lakan Hila, Louie Poco and Dino Pascual.

The band is famous for their hit songs “Wala Nang Iba” and their rendition of “Ale” and “Babaero.”

So, mga ka-Abantelliling, tutok na ngayong hapon, ha! At mag-enjoy sa musika ng The Bloomfields.

Bianca Manalo nakakagigil ang kaseksihan

Nagpaulan ng alindog si Bianca Manalo sa Instagram, at yes, kahit na sabihin pang hindi niya naabot ang tagumpay nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach, kuntento naman siya, at hindi rin puwedeng tawaran ang narating niya, ha!

Beauty queen material pa rin si Bianca. At kung hindi man niya nasungkit ang korona ng Miss Universe nu’ng time na sumali siya sa beauty pageant na ‘yon, winner pa rin naman siya sa panlasa ng mga Pilipino.

“To be happy, look for things to appreciate, no matter what is happening around you,” sey ni Bianca, suot ang super seksing swimsuit, na lutang na lutang ang nakakatakam na kaseksihan niya.

veadavao “Bakit ang sobrang hot wala pa namang summer.”

demesareynaldo “Wow na wow summer na summer lodi naka gigil ang sexy na body.”

rannyoyaosison “kanina ka pa hinahanap ni Homer Alakdan…anjan ka lang pala @biancamanalo.”

Well, in fairness, super seksi pa rin talaga si Bianca ngayon. Hindi nga siya katulad ng ibang beauty queen na maagang nalaspag. Si Bianca, super seksi, fresh, at hindi nga laspag hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

6 − 5 =