Anita Linda pumanaw na sa edad na 95

Paalam, Anita Linda…

Opo, pumanaw na ang napakahusay, at batikang aktres nitong 6:15 ng umaga, Miyerkules, June 10, sa edad na 95.

Si Anita Linda ay si Alice Buenaflor Lake sa tunay na buhay.

Mababasa ang anunsiyo sa pagkamatay ni Anita sa Instagram post ni Direk Adolf Alix, isa sa malapit na direktor sa mahusay na aktres.

“This is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts… The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15AM. Prayers for her soul.

“My condolences to her family and her children, Francesca Legaspi and Fred Osburn,” saad ni Direk Adolf, na naging direktor ni Miss Anita sa mga pelikulang Adela, at Circa (na huling pelikula na ginawa niya). (Dondon Sermino)