Kung nairita si Annabelle Rama kay Rep. Rodante Marcoleta, tila na-in love naman ang nanay nina Ruffa, Richard, Raymond Gutierrez kay Cong. Rufus Rodriguez.

Para kay Annabelle, nasayang ang oras niya sa pakikinig sa hearing ng prangkisa ng ABS-CBN, lalo na kay Rep. Marcoleta.

“Sayang lang yung oras, dada kayo ng dada wala akong natutunan,” sabi pa niya.

Pero, `yun na nga, puring-puri naman niya si Cong. Rufus.

“Hay naku nawala ang antok ko ang sarap makinig kay Cong. Rufus Rodriguez understood Filipino citizen si Mr. Gabby Lopez confirmed by DOJ Usec. Nicolas Felix Ty Immigration Com. Jaime Morente. Dapat mga ibang congressman makinig na sa marunong sa batas dada kayo ng dada.

“Gusto kung ibalik si Cong. Rufus Rodriguez ang linaw ng explanation niya regarding citizenship dahil former Immigration Commissioner alam niya lahat ang itatanong. Naubos na oras sa mga nonsense na tanong, anong tanong yan! Mahal mo ba ang Pilipinas? Syempre.”

Kaaliw talaga si Annabelle, di ba? (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twelve − 11 =