Isang malapit sa nanay ni Anne Curtis na si Mommy Carmen ang nakatsikahan ng isang malapit sa akin.

Close ang taong ‘yon kay Mommy Carmen at natanong daw niya ang nanay ng aktres kung kailan babalik si Anne ng Philippines?

Ang sagot daw ng nanay ni Anne, hindi pa raw sure. Baka matagalan pa raw sa Australia ang aktres.

Habang may panganib pa raw ng COVID-19 ay sa Australia pa raw mananatili si Anne.

Bukod sa mister na si Erwan Heussaff, kasama rin naman ni Anne sa Australia ang assistant niyang si Maryanne.

***

Martin ginunita si George Floyd

Kahapon ay kasusulat ko lang na hindi tumitigil ang Concert King na si Martin Nievera at ang twin-sister niyang si Vicki Nievera sa kanilang “Quaran-Twins” Facebook Live gabi-gabi kahit GCQ (general community quarantine) na nga ngayon sa NCR (national capital region).

Pero noong Tuesday, hindi muna sila nag-FB Live.

Martin and Vicki took a pause from their nightly jam session to stand in solidarity with music makers all over the world na ginunita ang namayapang si George Floyd.

Nang maka-text ko si Martin sa pamamagitan ng Viber, sinabi niyang pakikiisa rin nila ‘yon sa #BLM o Black Lives Matter.

Kagabi, balik-FB Live na sila ni Vicki.

Samantala, nakaka-touch si Martin dahil panay ang paalala niya sa akin na mag-ingat dahil alam niyang nasa Los Angeles, California ako ngayon at medyo magulo nga sa ibang lugar dito kung saan may mga looting.

***

Annabelle bawal pa ring lumabas

Isa si Annabelle Rama sa mga excited na malapit na ring magbukas ang mga beauty salon. Miss na miss na ni Bisaya na magpa-parlor.

Pero sabi ko sa misis ni Eddie Gutierrez, senior citizen na siya, kaya paano siya lalabas para makapagpa-parlor kahit GCQ na?

Parang biglang nawala ang excitement ni Bisaya sa reminder ko sa kanya. Hehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

sixteen + 9 =