Antonio panis kay Lalo

NAUWI sa hatian ng puntos ang laban nina Grandmaster (GM) Darwin Laylo at Grandmaster (GM) Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr. via repetition of moves sa kanilang Modern Benoni skirmish para manalo sa first-ever P20,000 winner-take-all online blitz chess tournament nitong Linggo.

Naging mahigpitan ang laban at natapos ng apat na oras at kahalati ayon kay host commentator International Master (IM) Roderick Nava.

“Napakaganda ng laban at humabol pa si GM Joey (Antonio) pero kailangan lamang ng tabla ni GM Darwin (Laylo) para manalo sa match,” sabi ng Carmona, Cavited-based chesser na si Nava.

“Tabla na lang kailangan ko kaya ng nakita ko ‘yung pagkakataon na repetition moves ay hindi ko na pinakawalan pa kasi 15 points na ako at panalo na ako sa match,” giit naman ni Laylo.