Posibleng lumawak pa ang maapektuhan ng ashfall mula sa pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas, ayon sa PAGASA.

Matapos umabot sa Metro Manila ang matinding ashfall, makakarating ito sa Central Luzon dahil galing umano ang hangin sa timog kaya papunta ito sa hilaga.

“Sa ganoong height po, ‘yung hangin ay galing sa timog kaya papunta po sa hilaga, umaabot ng Central Luzon ‘yung binubugang usok mula diyan sa Taal Volcano. At hindi po natin nakikita na magbabago ang direction at speed sa upper layer kaya kung tuloy-tuloy po ang pagbuga ng usok ay patuloy din po na magpo-propagate pa-hilaga itong ating makapal na ulap,” paliwanag ni weather specialist Ariel Rojas sa DZMM.

“Kung tuloy-tuloy po ‘yan, and mananatili ‘yung scenarios, ‘yung lakas ng hangin at a certain distance from the ground, possible po na umabot po ng Central Luzon ang ashfall. Umaabot na po dun ngayon ‘yung kaulapan galing sa Taal Volcano,” dagdag pa niya.

Pinayuhan ni Rojas ang publiko na manatili sa loob ng bahay at takpan ang mga ilong at bibig ng basang bimpo o kaya’y dust mask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

16 − 4 =