May nag-advice kay James Reid na alisin muna niya sa market ang kanyang binebentang bahay dahil sa estado ng ekonomiya ngayon dulot ng COVID-19 ay walang maglalabas ng malaking pera para bumili ng anumang property.

At sobra rin kasing mahal ang nilagay na presyo ni James sa kanyang three-storey house sa Loyola Grand Villas. May price tag ito na between P82 million hanggang P85 million.

Wala raw kakagat sa presyo na ito dahil may ibang mga bahay na mas maganda pa raw sa bahay ni James na ang presyo ay naglalaro lang sa P20 million hanggang P25 million.

Sey ng isang netizen na huwag masyadong ambisyoso si James dahil hindi siya Hollywood star at wala sa Beverly Hills ang bahay niya.

Hindi raw porke’t celebrity siya ay puwede na siyang magpresyo ng ganoon kalaki. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 × four =