Bangkong basketball player babad sa politiko

Madalas daw na ibangko ng kanyang coach ang basketball player dahil parang lantang gulay ito kung kumilos.

Gusto kasi ni coach ay agresibo at maliliksi ang kanyang mga player upang sa gayon ay matalo ang mga kalabang koponan.

Miyembro ng koponan si player sa ligang tapunan ng mga laos sa PBA. Bihira lang ipasok ni coach si player at mistulang practice player lang ang papel nito sa koponan.

Eh paano naman kasi, inuubos ng silahis na politiko ang lakas ng basketball player kaya pagdating ng laro ay mahina na ang tuhod nito.

Mas babad pa nga sa piling ng politiko itong si player kaysa sa laro ng kanyang koponan.

Yun nga lang, doble ang kompensasyon ni kumag dahil sa bukod sa suweldo mula sa kanyang team ay busog din ito sa datung mula sa fafa niyang politiko.

Pintahan nyo na. Hindi masyadong kilala ang player pero itong si politiko ay taga Luzon at may letrang A sa kanyang pangalan.