Nagiging bukas na si Bianca ­Manalo sa netizen sa ­kanyang lovelife kay Sen. Win Gatchalian. Ibinalandra ni Bianca ang larawan nila ng Senador sa mismong bahay ng huli, sa araw ng Chinese New Year celebration.

Ang larawan nilang dalawa habang naka-Chinese outfit si ­Bianca at ipinapakita pa ang hawak nyang ‘angpao’, ang unang larawan sa post niya.
Magkasamang nag-celebrate ng Chinese New Year ang magkasin­tahan at hindi na nga ito itinago ni Bianca. At ­halatang tanggap ng mga taga-Valenzuela si ­Bianca na mababasa sa mga comment sa post.

May mga nagtatanong kung kailan daw magiging taga-Valenzuela si Bianca, na ang ibig nilang sabihin ay kung kailan ang kasalan. Kinilig na rin ang iba sa relasyon ng dalawa at hindi na makapaghintay ang mga ito sa araw na ikakasal ang dalawa. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

6 − 4 =