Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Star vs. NLEX
6:45 p.m. – Meralco vs. SMB

Magtatapos ngayong gabi ang elimination round ng PBA Governors Cup, hindi pa alam ng mga magkakatunggali kung nasa top four sila at may twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang alam lang ng magkakalabang San Miguel Beer at Meralco, at Star at NLEX ay kailangan nilang manalo para magkaroon ng tsansa.

Para silang tumatakbo sa kalsada na biglang mapupunta sa blind curve, hindi alam kung ano nasa kabila.

Sakaling natalo ang Ginebra sa TNT kagabi, ang Bolts ay maaari pang mag-No. 1, naging posibilidad nang talunin ng mga bata ni Norman Black ang GlobalPort 100-93, nitong Biyernes.

Aasinta ang Beermen ng ikalimang sunod na panalo na medyo magpapadali sa kanilang misyong makumpleto ang bihirang season sweep.

Balak din ng Star na gawin ang lahat para makapasok sa top four at mula doon ay makopo ang ikatlong semifinals stint sa ganoon ding karaming tournaments ngayong taon.

Kung papalarin ang NLEX, napakalaking tulong iyon sa morale at kumpiyansa ng team na naligwak sa last place sa unang dalawang conferences sa paggiya ni Yeng Guiao.

“Must win for us. No win, no twice-to-beat,” sabi ni Guiao.

“But this is also the time to prove ourselves,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twenty − 12 =