Umiwas ang “The Voice Philippines” coach na si Lea Salonga na magkomento sa isyu ng Southeast Asian Games (SEAG) na gagawin dito sa Pilipinas. Sa naging sagot ni Lea sa mensahe namin tungkol sa controversial na 1 million US dollars talent fee ng Black Eyed Peas o umaabot sa higit sa P50M, na siyang napapabalitang lead performers sa SEAG, hindi nagbigay ng opinyon niya ang award-winning Broadway star.

Sa naging sagot nito, pahapyaw na naibalita ni Lea sa Abante ang pagiging bahagi niya sa SEA Games.

Ito ang dahilan kung bakit hindi niya gustong magbigay ng anumang pahayag, comment o opinion sa pinagde-debatehang paglulustay ng gobyerno ng malaking halaga sa event na ito.

@msleasalonga, “Hard to say anything because I’m involved with sea games.”

Sa karugtong ng kanyang mensahe, nagpahaging din si Lea sa kanyang magiging performance sa SEA Games dahil sinabi nitong hindi kasing-laki ng Black Eyed Peas ang kanyang talent fee.

“(but my TF is nowhere near that),” sabi pa niya.

Humingi ng pang-unawa ang world-class actress at Pinoy pride sa pag-iwas niyang magbigay ng opinyon tungkol sa isyu.

“I hope you understand,” ang pinakahuling salita sa mensahe nito sa amin.

Tila abala ang ibang mga singing star sa kanilang mga trabaho o sadyang ayaw lang nilang bigyang-pansin ang isyu ng multi-million project na ito ng bansa sa Pilipinas.

Pero si Jessa Zaragoza ay tumugon at sinabi nito sa direct message niya sa amin sa Instagram na: “Feeling ko lang, with all the local artists we can create a good show with less than 50million pesos worth than paying one Hollywood artists or group.”

Si Ogie ay nag-reply na hihintayin pa raw niya ang official statement ng OPM at saka siya magsasalita.

May ilan pa kaming pinadalhan ng mensahe sa kung ano ang masasabi nila sa controversy pero hindi nag-reply ang mga ito.

Binalewala ang mga Pinoy singer:

Talent manager pumalag sa SEA Games organizer

Para sa A-list artist manager at big event producer-promoter ng ALV Management na si Arnold Vegafria, mali ang desisyon ng gobyernong kumuha pa ng mga foreign artist para pangunahan ang entertainment ng SEA Games sa Pilipinas.

Sa ipinadalang mensahe ng nasabing Miss World franchise holder sa bansa sa Facebook Messenger namin, ipinagdiinan nitong kinikilala sa ibang bansa ang galing ng mga Pinoy singers at performers.

“It’s a mistake to have chosen foreign performers over Filipino talent for the upcoming Southeast Asian Games opening. For one, as host country we should have championed our own performers and entertainers. The world has repeatedly recognized Filipino talent in the performing arts so it boggles me that we havd to resort to choosing a foreign act at an event that should be highlighting Filipino pride. And rather than spend on a foreign act, using a local act would’ve been immensely cost-effective and support for the livelihood of our Filipino performers.”

Si Arnold o kilala bilang si ALV sa lokal na aliwan bilang manager ng mga bigating performer gaya nina Billy Crawford, Sam Concepcion at iba pa.

Paolo buking ang kabadingan sa photo ni Eula

Nalantad ang pagkakaroon ng koneksiyon nina Paolo Ballesteros at Eula Valdez sa throwback photo ng aktor sa kanyang Instagram post. Dalawang larawan ang pinost ni Paolo sa kanyang IG nu’ng baby pa siya at kasama niya ang seasoned actress na si Eula Valdez.

Sa caption, sinabi ni Paolo na ninang at tita niya si Eula noong nasa Cabanatuan pa siya. Mismong si Eula ang nagpadala ng larawan at nagpaalala kay Paolo ng pagkakaroon nila ng kaugnayan.

Nagmarka na ngayon sa netizen ang tungkol sa relasyon nila, sa pruweba ng larawang ipinadala pinost nito.

Sa caption, nagpahaging na si Paolo ng potensyal ng kanyang pagiging gay dahil sa hawak-hawak niyang suklay habang yakap siya ni Eula.

“Throwback! My Tita ninang @eulavaldez in Cabanatuan hehe. Thanks for the pic labyu #kulotpamore #siMatet..lamna agad ang hawak hawak!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

seventeen − 2 =