NAG-AMBAGAN ang mga player, coach at official mula sa tatlong team sa PBA ng San Miguel Corp. – Ginebra, San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots – para maitulong sa mga frontliner ng coronavirus.

Bukod sa pampalakas-loob na video at pasasalamat, nangako ang tatlong team ng pinansiyal na tulong.

“Kami po sa San Miguel group – ang Ginebra, San Miguel at Magnolia – ay nag-uusap-usap po,” ani SMC sports director Alfrancis Chua na siya ring governor ng Ginebra sa video message ng grupo. “Kami po ay magre-raise ng funds para sa inyo.”

Ipinaabot ni Chua ang pasasalamat sa mga doctor, nurse at lahat ng frontliner.

“Saludo ako sa inyo,” dagdag niya. “Hindi ko po alam kung paano mae-express ito, pero kayo po ang tunay na matatapang.”

“Kami po ay patuloy na nagre-raise ng funds para sa inyo. Maraming-maraming salamat sa mga ginawa n’yong tulong,” wika ni Paul Lee ng Hotshots.

“For us as a team, we will continue to support you and help raise funds para makatulong kami,” wika ni Mark Caguioa ng Gin Kings. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 × four =