Hello mga Ka Trip Mo, Trip Ko. Kamusta na ang buong linggo ninyo? Nakakalahati na tayo ng taon sobrang bilis ng araw! Papasok na ang tag-ulan pero gayun pa man alam kong tayong mga Pinoy ay hindi papapigil sa pag tuklas ng mga lugar na makakapagpamangha sa ating mga mata at pupuno sa mga bagay na alam nating makakabuo ng ating sarili.

Mula sa karagatan hanggang sa mga mahiwagang river, kabundukan, mga talon at Isla dito sa ating bansa ay talagang nakaka mangha. Ngayon naman ay isang kamangha-manghang lugar na naman ang ating lalakbayin. Ilan na baa ng napuntahan ninyong kuweba?

Tara pasok tayo sa isang napakagandang kuweba na maipagmamalaki natin kahit sa mga dayuhan.

Nung nakita ko ang kuwebang ito sabi ko sa sarili ko, dito ko gusto mag pakasal!Kasi sobrang nature lover ako. Mula sa ambiance hangang sa pagiging unique nito mapapa-wow! Ka talaga dito sa Callao Cave.

Pasok ang kuwebang ito sa isa sa pinakamagandang kuweba dito sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Peñablanca, Cagayan Province. Ang bayan ng Peñablanca na ang pangalan ay hinango sa salitang Spanish na ang ibig sabihin ay puting bato. Merong 300 na kuweba sa nasabing probinsya ngunit ang talagang tourist atraksyon dito ay ang tinatawag nilang seven- chamber ito ay ang iba’t ibang rock formations na agaw pansin sa mga turista.

Isa sa mga seven- chambers dito ay ang Chapel kung saan ito ay may tipikal na simbahan sa loob ng kuweba. Pagpasok mo pa lamang dito ay talagang mararamdaman mo ang solemn na ambiance dito. At ang natural na liwanag sa loob nito ay galing mismo sa sinag ng araw na pumapasok sa nasabing chapel. Biruin nyo mga Ka- Abante ang ganda magdaos ng kasal dito. Tahimik na, makakapag-grounding ka pa.

Ang ilan pa sa mga seven- chamber dito ay ang Skeleton, praying angel, Rocket, Ulo ng elepante, Lion at aso. Sobrang aliw para sa mga turista ang pagpunta dito dahil bukod sa ganda ng lugar hindi din ito mahirap puntahan dahil talagang napaka-accessible ng daan. Puwede ka din maligo sa mga river na madadaanan mo bago makarating dito dahil sa sobrang linaw ng tubig.

Paano makarating dito? Mula sa Tuguegarao City, ay maari na kayong makipag-usap sa mga tricycle doon para sa inyong round trip na pag lalakabay mula sa Tuegegarao Riverside papunta sa Callao Caves Resort. Sasakay din kayo ng bangka sa kuweba.

Alam ko marami pa sa ating ang walang budget para mag travel goals pero maari na din kayo mag-ipon at mag simulang magplano para pag katapos ng pandemic ay makapag relax kayo sa ibang lugar. Kaya naman hndi tayo titigil sa pagtuklas ng magagandang lugar.

Huwag din ninyo kalimutan mga Ka- Trip Mo, Trip Ko na suportahan ang aming Abante news on line at Abante Radyo Tabloidista kung saan ako magpo-program tuwing Sabado 2:00- 3:00 ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

1 × 3 =