Tila napaghandaan na talaga ng Kapamilya ang kanilang pagbabalik telebisyon. Katulad na lang ng Ang Probinsyano na muli na namang mapapanood.

Pero dahil kasalukuyan pa rin dinidinig ang prangkisa ng ABS-CBN, sa Kapamilya channel muna sila mapapanood. Kung may cable, lalo na Sky Cable, regular na mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN.

Ayon sa aming source, June 15 daw ang ina-eye na resume taping. Lockdown daw ang mga ito sa isang resort sa Batangas sa loob ng isang buwan. Pero bago mag-taping, ite-test ng lahat kung positibo o sa COVID-19.

Isang buwang taping, then break ng 1 week at balik taping muli hanggang sa matapos na raw ang Ang Probinsyano ng September.

Wow, hanggang Setyembre pa pala mapapanood si Cardo Dalisay, ha! Pero, sabi nga anything can happen, at malay natin ma-extend na naman, di ba?

Marian serye hindi na tuloy

Siguradong malulungkot ang mga tagahanga ni Marian Rivera kung totoo nga ang nakarating sa aming balita. Diumano, malaki ang posibilidad na hindi lahat ng serye ng Kapuso network ay magtutuloy-tuloy once na nagsimula ng mag-resume ng taping.

Ang sigurado raw, ang teleserye ni Dingdong Dantes ang magre-resume bilang malapit na rin itong matapos kaya konti na lang ang kailangang babalikan.

Pero yun nga, malaki raw ang posibilidad na hindi na magawa ang comeback serye sana ni Marian after nitong manganak kay Ziggy.

Given na kasi na hindi kakayanin ni Marian ang lockdown taping. Open naman ito na sa ngayon, ang mga anak na sina Zia at Ziggy ang prayoridad niya. Ideal talaga ang lockdown taping sa mga artistang single pa at wala pang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 × one =