Umapela si Cebu City Mayor Edgar Labella sa Inter-Agency Task Force (IATF) makaraang ianunsyo na sasailalim pa rin ang lungsod sa modified enhanced community quarantine o MECQ,

Una rito, sa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na simula Hunyo 1, 2020 tanging Cebu City na lang mananatiling nasa MECQ habang ang iba pang lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila ay lilipat na sa general community quarantine (GCQ) o kaya ay modified general community quarantine.

Sa kanyang liham sa IATF, sinabi ni Labella na handa na ang lungsod para sa mas maluwag na protocol sa GCQ.

“Our strategic community testing has already been completed and we are confident that the City of Cebu is ready to transition into General Community Quarantine,” ayon sa alkalde.

Sa huling ulat, nasa 2,055 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod, habang 471 ang gumaling.

Gayunman, naniniwala ang alkalde na kahit paluwagin ang quarantine restriction kailangan pa rin ng pagsasagawa ng lockdown sa ilang maituturing na critical area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

12 − 3 =