Chiz nagparinig sa mga namburo sa ABS-CBN franchise

May patama si dating Senador Francis “Chiz” sa mga mambabatas na nang-ipit sa franchise application ng ABS-CBN na naging dahilan ng pagtigil ng operasyon nito noong Martes.

“Marahil ay angkop ang mga sina-unang kasabihan na: Kung gusto, may paraan at Kung ayaw, may dahilan.” o “Minsan mas madalas nakaka-kita at nakaka-rinig at nagigising ang bulag at bingi at tulog, kesa sa nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan at nagtutulog-tulogan”tweet ni Escudero na ngayon ay gobernador ng Sorsogon.

Walang binanggit na pangalan ang esposo ni Heart Evangelista pero ilang netizen ang nagsabing si “Matet” ang pinariringgan ng gobernador.

“Pakitawagan po si Matet tapos na naman ang Kobe exhibit,” komento ng isang netizen.