Cong sa CL nagtago sa mga constituent

Nakakahiya itong isang mambabatas sa Central Luzon dahil kung kelan kailangan niyang tumulong sa kanyang mga constituents ay hindi naman siya mahagilap.

Ayon sa nakalap ng impormasyon ni Mang Teban, mula daw nang pumutok ang COVID-19 crisis hindi na raw makita ang mambabatas na ito sa kanyang bahay.

May mga ilang kababayan kasi ang lumalapit para humingi ng ayuda subalit sa tuwing pupunta sila doon, sinasabi ng taga-bantay na wala siya doon at ang kanyang pamilya.Bumalik na lang daw sa ibang araw. Dahil sa dami ng pupumunta para humingi na tulong, naglagay na ng katarula sa harap ng bahay na nagsasaad na wala doon ang opisyal.

Pero ang totoo daw, andoon lang sa bahay ang mambabatas at ayaw lang talagang harapin ang mga constituent nito na humihingi ng tulong sa kanya.Sino siya?

Clue: Ang mambabatas na nagtatago sa kanyang mga kababayan ay malapit sa Clark at ay may letrang T sa kanyang apelyido as in ‘tago ng tago’.