Naniniwala ang Department of Health (DOH) na kontrolado na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa Pilipinas.

“As we have seen, the trend in the number of fresh cases reported per day is low. Other important indicators such as slowing of our case doubling time and lessening of mortality rate show that we are able to control the outbreak,” ayon sa pahayag ng DOH.

Sinabi ng DOH na bumaba na rin ang “critical care utilization rate” sa mga intensive care unit at mechanical ventilator ng mga ospital na indikasyon ng kapasidad ng health care system ng bansa para gamutin ang mga infected ng COVID-19.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na patuloy na imo-monitor at pag-aaralan ang mga datos sa pagtaas ng bilang ng infection rate sa sandaling ipatupad na ang general community quarantine (GCQ).

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagkaroon na ng pagbaba sa trend ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Nabatid na naitala nnoong Biyernes, Mayo 29, ang 46 fresh case mula sa dating 109 fresh case at nagkaroon rin ng pagbaba sa bilang ng mga nasawi.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 × one =