Umabot na sa 2,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City, base sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa bilang na ito, 1,822 ang mga may kompletong address at 1,634 na ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices.

May bilang na 624 na ang naka-recover sa sakit hahang 169 na ang naitalang namatay.

Inilagay sa 14 na araw na special concern lockdown ang mga barangay ng Bahay Toro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills, at Tatalon simula Miyerkoles dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.

Dahil ang Quezon City ay inilagay na sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) noong Mayo 16, pinaalalahanan ang publiko na manatili sa kanilang bahay, palaging magsuot ng face mask, at pairalin ang social distancing. (Riz Dominguez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

three − 3 =