Dahil sa online gaming: Megan, Mikael nabaon sa utang

Aminado ang magdyowang Mikael Daez at Megan Young na malaking parte ng kanilang ngayon ay ang pagkahilig nilang pareho sa gaming.

Sa podcast nilang #BehindRelationshipGoals, tinalakay nina Mikael at Megan kung tama nga ba na pagkagastusan ang paglalaro ng online games.

Inamin ng Kapuso couple na gumagastos sila pagdating sa kanilang gaming hobby, pero mainam na alam daw ng gaming enthusiasts kung hanggang saan lamang ang hangganan nang paglalabas ng pera para rito.

Sabi pa ni Megan, natututunan nila ito ni Mikael sa tila ‘masakit’ na paraan nang makita nila ang kanilang credit card bill.

“It was a moment of me being irresponsible and not disciplined at all. But when I told her, she put me in my place. She told me, ‘You can’t do this. So you have to fix it. It was nice hearing that but I could only hear that if I was honest with her,” sabi ni Mikael.

Importante raw ang maging tapat pagdating sa lahat ng bagay upang maiwasan ang miscommunication sa pagitan ng mag-asawa.

Maaaring tutukan sina Megan at Mikael sa YouTube channel nilang Megan & Mikael Podcast. (Dondon Sermino)