Dahil break muna nang isang buwan ang mga artista sa kanilang trabaho sa teleserye dahil sa community quarantine, isa si Coco Martin sa nagkaroon ng panahon para maasikaso ang kanyang nilagay na minifarm sa kanyang bahay sa Quezon City. Sa mga hindi nakakaalam, mahilig magtanim ng kung ano-ano ang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Kaya naisipan niyang pagawan ng maliit na vegetable garden ang isang parte ng kanyang malaking property sa Quezon City. Bukod sa organic vegetables na ampa- laya, talong, petchay, sili at kung ano-ano pa, meron ding mga fruit trees na tinanim si Coco tulad ng mangga at papaya.
Ayon sa mga close kay Coco, kapag wala raw trabaho ito, matatagpuan daw ito sa kanyang mini-farm sa bahay. Kung ang ibang aktor daw na kapag may libreng mga araw ay nagbabakasyon sa iba’t ibang bansa, si Coco ay nasa bahay lang daw at ang pagtatanim at pagasikaso ng kanyang mga pananim ang inaasikaso. Isang paraan din daw ito ni Coco na makatulong sa environment.
Kapag marami raw halaman, nakakatulong itong makaba- was ng air pollution. At ac- cessible daw agad ang mga sariwang gulay at prutas sa kanyang bakuran. Heto ang naging post ni Coco sa Insta- gram: “Kaisa magkalat mag- tanim po tayo at gawing kapakipakinabang ang kapaligiran!” (Ruel Mendoza)