PLAYER-coach bonding.

Extra sweet ang ipinadama nina Ateneo Lady Eagles coach Oliver Almadro at volleybelle Dani Ravena nang muling magsama matapos ang tatlong buwang hindi pagkikita dulot ng quarantine.

Sa Instagram post kasi ng Lady Eagle tactician ay makikitang tuwang- tuwa ito nang dalawin siya ni Dani at pasalubungan.

At dahil na-miss ang isa’t isa, nagpa-picture ang dalawa na magkayakap pero dahil pinaiiral pa ang social distancing ay may pagitan ang kanilang big hug.

“After 3 months, @daniravenaaa & I are having this hug with social distancing. Thank you for the visit girl, really miss our group hugs!,” caption ni coach Oliver sa nasabing post.

Hindi na papalo ang UAAP Season 82 women’s volleyball tournament dahil sa pagkalat ng COVID-19. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

11 − 7 =