TIMEOUT muna sa pagwoworkout si volleyball star Rachel Anne Daquis matapos nitong ipamalas ang kanyang galing sa paglalaro ng Mobile Legends.

Sa kanyang Facebook, ini-stream ni Daquis ang kanyang paglalaro ng nasabing online game na tunay namang inabangan ng mga fan.

Sabi ng isang fan na si @patrickfusilero sa Instagram, “Not bad for first time ML @rachdaquis13.”

“Ngiting wagi! @rachdaquis13 yung beginner ka tapos naka3x MVP ka!” saad naman ni Imarielyazon.

Pahabol ni @iamcamsy, “’yung first time niyng maglaro tapos lumusob sa base ng kalaban na walang kasamang minions. Hahaha Ang dami kong tawa dahil sayo. Kailan kaya ulit?” (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eleven − 4 =