Tapos na ang summer season, pero para sa singer-actor na si Darren Espanto, tila nag-uumpisa pa lang ito. Marami sa mga beki at babae sa social media ang pinagpawisan sa hotness ng singer sa latest post nito sa Instagram.

Marami nga ang nagulat sa katawan ni Darren ngayon. Na kapag nakabihis daw ay maangas na, lalo raw itong umaangas kapag sumasayaw, pero mas matindi ang angas ngayong nakita nilang topless ang young singer.

Pinagpiyestahan talaga si Darren sa social media ng mga beki at kababaihan, hindi raw kasi nila akalain na ganoon pala ka-hot itong si Darren.

Mapapansin kasi sa kanyang picture na medyo may baby abs si Darren. ang kanyang tiyan. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 − seven =