KUNG nais ni Kai Sotto na makasabay sa matinding aksiyon sa G-League, dapat matigas ang kanyang katawan.

Para matupad ang kanyang NBA dream, matindi dapat ang kanyang depensa.

Isang hakbang na lang ang 7-foot-2 Sotto na si Sotto sa NBA sa pagpirma sa pinakabagong G-League team subalit marami ang nagsasabing hilaw pa ito pagdating sa pagbabantay ng kalaban.

Sinabi ni Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel na dapat alisto si Sotto sa pagdepensa lalo na sa ‘pick and roll’ play ng karibal.

“He’s a super talent, but it’s just hard to know where the right way to go,” ani TNT active consultant Dickel.

Kahit ilang netizen, sinabing malaki ang potensiyal ni Kai na maging unang homegrown player na makakatungtong sa NBA lalo na kung palalakasin pa nito ang kanyang depensa.

“Ang mga sentro sa NBA malalaki katawan at mabibilis, hindi pwede ‘yung lelembot-lembot ka kasi tatalsik ka talaga,” wika ng netizen at NBA fanatic na si Rico Guerrero.

“He can improve on his defense. He should be quick and should have a tough body,” hirit naman ng netizen na si Ryan De Guzman.” (Abante Sports)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

8 + 4 =