‘Di pagka-Pangulo usapan natin – Pacquiao Arum fake news

GUMAGAWA lang ng kwento si Top Rank CEO Bob Arum, walang balak tumakbong pangulo ng bansa si Manny Pacquiao.

Pinabulaanan ng fighting senator at kasalukuyang World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight champion na si Pacquiao ang mga balitang lumabas kamakalawa na tatakbo siya sa 2020 Presidential Elections.

Aniya, wala siyang nabanggit na ganito kay Arum, na kamakailan ay inihayag na sinabi sa kanya ni Pacquiao na balak nitong mag-presidente.

“As far as I know, we never talked about politics. The last time we talked on Zoom, Bob discussed possible fight schedules, but never about politics. Our discussion was all about boxing,” sabi ni Pacquiao sa balitang lumabas sa boxingscene.com.

Nitong Linggo ay ibinalita ni Arum na nais ni Pacquiao tumakbo sa 2022.

“The first president I think we’ll get as a fighter is little Manny Pacquiao, who told me, once again. I did a Zoom telephone call with him, ‘Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration,'” wika ni Arum.

Sa ngayon ay patuloy din sa pagpapakondisyon ng katawan si Pacquiao sa kanyang bahay habang niluluto ni Arum ang posibleng upakan nila ni WBO 147-pound titlist Terence Crawford ngayong taon sa Bahrain. (Ferdz Delos Santos)