Maraming ginulat si Regine Tolentino nang bigla itong mag-post sa kanyang Instagram at Facebook account ng picture ng baby habang ipinanganak ito.

Talagang naging palaisipan, si Regine ba ang nanganak o isa sa dalawang anak niyang babae. Matagal nang annulled sina Regine at ang dati nitong Mister na si Lander Vera-Perez. Pero, walang napapabalitang bago niyang karelasyon.

At sa post niya, hindi ganun kalinaw kung siya nga ang nanganak, though, nagpapasalamat siya sa blessing of a new life. Though, karamihan ng comments ay kino-congratulate si Regine.

“At a time of uncertainty and anxiety, everyone is looking for a spark of hope, a miracle that will raise our spirits and make everything better. This blessing can come in any shape or form. Ours came on March 17, 2020 at 9:25 pm.”

Ang name ng ikatlong baby girl ni Regine ay Rosie Rignee through cesarean operation. Sure kaming ang second name ay pinaghalong pangalan ng dalawang anak niyang babae na sina Reigen at Reigne.

Kumpirmadong si Regine nga ang nanganak at ayon sa source namin na very close sa dancer/host/actress, sobrang happy raw si Regine sa bago nitong baby.

Isa raw director sa VIVA ang tatay ng bagong anak ni Regine. At mukhang tulad nito, walang problema sa relasyon nila.

Feeling relevant sa panahon ng COVID:

Maymay, Edward kinainisan ng mga fan

Walang-duda na marami ang nalungkot sa statement nina Maymay Entrata at Edward Barber na lumabas noong Palm Sunday.

Tinuldukan na nila ang ilusyon ng mga MayWard fans na may posibilidad na ang loveteam nila ay mauwi sa totohanan. Pero sinigurado nila na mananatili raw silang mabuting magkaibigan at magkatrabaho.

Nagpahayag naman ng suporta ang karamihan sa mga fans nila. Para raw sa mga ito, “MayWard” pa rin sila. Pero, may ilan din na nagtanong, “ano nangyari at bakit may pa-statement?”

Wrong timing naman para sa ibang netizens ang paglabas nila ng statement tungkol sa kung anuman ang tunay na namamagitan sa kanila ngayong ang lahat ay COVID-19 ang nagma-matter.

Sabi ng ilang comments, “Kailangan talaga ito to stay relevant kahit may covid? Kainis naman…”

“Did anyone ask?”

“I’m sorry uhmmmm people are dying????”

“They really chose to be this pathetic in times like now???”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eleven − 8 =