Hindi honest o tapat ang Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng situation report ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito ang dismayadong pahayag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson matapos i-correct ng DOH ang kanilang datos kaugnay ng backlog sa mga kaso ng COVID-19 nitong nagdaang mga araw.

“There is no way around the real COVID-19 situation in the country. Now that the backlogs are being corrected, expect things to get ugly before they get better,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter.

“One thing is certain: they were not completely honest in their daily situation report before,” dagdag pa nito.

Samantala, umapela naman si Sorsogon Gov. Francis `Chiz’ Escudero sa DOH DOH na huwag lokohin ang kanilang sarili at ang mamamayang Pilipino sa pag-uulat ng mga kaso ng COVID-19.

“Fresh/late” COVID-19+ cases per the new DOH reporting scheme are mere “ego saving devices.” THE FIRST STEP IN FINDING A SOLUTION TO A PROBLEM IS ADMITTING (to begin with) THAT WE HAVE A PROBLEM. Please dont fudge the figures, fool yourselves & us too… #nopoliticswithhealth,” komento ni Escudero sa kanyang Twitter account.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na babaguhin nila ang pamamaraan sa pagprisenta ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ihihiwalay ang datos ng mga bagong nai-rekord na pasyente at ang backlog upang maiwasan ang impresyon ng publiko na muling tumataas ang infection rate sa bansa.(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

10 + nine =