HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na pag-isipang mabuti ang plano nitong tumakbo sa pampanguluhang halalan sa 2022.

“Kayong mga politiko na isipin ninyo mabuti. Manny, I think Manny is entertaining, well it’s good… Pag trabaho wala ka talagang makuha kung ‘di pagod,” saad ni Duterte sa kanyang talumpati sa double cele­bration ng kaarawan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ng kanyang asawa, kung saan dumalo ang Pambansang Kamao.

Ayon sa Pangulo, ito rin ang rason kung bakit ayaw niyang patakbuhin sa darating na presidential elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

“Wala kang makuda dito sa trabaho na ito except work, work and work and work and work. And worry, worry, worry and be under stress,” ayon sa pangulo.

Ilang political analyst ang nagsabing tatakbo si Pacquiao sa darating na pampanguluhang halalan matapos kumasa sa paggawa ng pelikula hinggil sa buhay ng bayaning si He­neral Miguel Malvar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

three × 5 =