NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na makadebate ang mga abugado ng Human Rights, partikular ang mga dayuhang abugado ng mga ito para ipakita ang pagka-estupido umano ng mga ito sa isyu ng iligal na droga.

Sa harap na rin ito ng patuloy na pagiging mainit ng Human Rights organizations sa war on drugs ng Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na sarado na ang isip ng Human Rights groups na gobyerno ang pumapatay lahat sa mga sangkot sa droga, at hindi tiningnan ang posibilidad na nagka-onsehan kaya nagpapata­yan ang mga sangkot sa sindikato.

“Akala nila lahat ng kaso sa drugs, gobyerno na. Ito, tarantado itong mga human rights na… maniwala ka sa mga buang na ito. Pati yung mga abugado na walang alam, maniwala ka,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente­ na nais niyang nakadebate ang mga ­puting abugado para ilantad sa buong mundo ang kababawan umano ng mga ito sa isyu ng iligal na droga.

“Karamihan diyan mga puti, mga bugok yan. Totoo lang. Kaya sabi ko one day, I’d love to debate with you in public, international and I’d show to the world how stupid you are,” dagdag ng Pangulo.

Nakalimutan aniya ng mga abugado ng Human Rights na sagradong tungkulin at responsibilidad ng Presidente na pangalagaan at proteksiyunan ang mga Pilipino. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

16 − 15 =