Ellen bet pa ring maghubo sa pictorial

Muling naghubad si Ellen Adarna sa social media. Ipinost kasi niyang muli ang throwback photo niya na hubo’t hubad siya, na kuha noong kasagsagan ng kanyang career, na kuha ni Mark Nicdao.

Ang braso lang ni Ellen ang bahagyang tumabing sa kanyang dibdib, para hindi tuluyang malantad ang kanyang dede. Nakatagilid si Ellen sa larawan kaya kitang-kita ang kanyang tattoo.

Bagamat luma na ang larawan ay humamig pa rin ito ng pansin sa mga netizen. Alam ng mga kaibigan ni Ellen na nami-miss nito ang kanyang kabataan at ang pigura noon. At base sa reaksiyon ni Ellen, mukhang bet pa rin niyang maghubo sa pictorial, ha!

Sey ng isang kaibigan niya, ‘yon daw ang panahong kahit alas singko ng umaga ay sumasalang sa thread mill si Ellen.

Well, maganda pa rin naman ang katawan ni Ellen, pero may pagbabago na sa kanyang balat dahil sa pagbubuntis. (Rey Pumaloy)