Dulot marahil ng anxiety, umabot na sa sukdulan si Geneva Cruz sa paghuhubad sa kanyang social media wall habang nagti-TikTok.

Naloka ang mga netizen sa nakabalandrang TikTok performance ni Geneva sa Instagram nito, lalo na nang sumulpot siya sa harap ng kamera mula sa kanyang kuwarto na naka-two piece bikini lang.

Halos hubo’t hubad na ang 90’s singer sa string bikini na suot nito, na kakapiranggot na tela lang ang tumatakip sa kanyang dibdib at hiyas.

In fairness, sa edad ni Geneva ngayon walang lalake ang hindi maglalaway sa maganda niyang katawan.

Nasa porma ang katawan ni Geneva na animo’y ngayon pa lang ang kasibulan ng kanyang alindog.

Mapapanis ang kaseksihan ng ibang mga bikini babe sa kaseksihan ni Geneva. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

sixteen + 17 =