Hanggang sa role lang ako pa-sexy

ARA’S SECRET

By Ara Mina

Ang dami-daming isyung pinaguusapan sa social media, na minsan hindi mo na alam kung ano ba talaga ang dapat tutukan para mabigyan ng solusyon.

Hindi pa humuhupa sa isyu ng health-crisis o safety ng bansa laban sa COVID 19, meron pang Anti-Terrorism bill. At ngayon naman ay tungkol sa rape at sa dapat na paraan ng pagdadamit ng mga babae para iwas rape daw.

Totoo na seryosong usapan ang “rape”, isang heinous crime na may karampatang sentensya, dahil talaga namang karumal-dumal na gawain ito.

Wala sa taong lasing, addict, o demonyo ang suot ng mga babae. Walang pinipili ang rape, kahit sino ginagahasa. Gawain ito ng mga taong nawawala sa sarili lalo na sa kapag nasa impluwensya ng droga.

Ang pambabastos sa mga babae ay palasak na ginagawa nga lalake, nakadamit man o nakasuot ng sexy dress o outfit. Walang piniling oras, panahon o sandali. Muli, kapag nasa impluwensya ng droga o alak.

Kaya meron tayong batas para dyan dahil marami ang buhay ang nawala, mga inosenteng hinahalay at pinapatay. Mga pangarap na natuldukan, mga taong nasaktan at hanggang ngayon ay nagdadalamhati dahil sa sinapit nila.

Pero malaking bahagi rin naman sa ating mga babae ang maging responsable sa ating mga isinusuot, na angkop sa lugar na pinupuntahan at sa mga taong makakasalamuha natin dahil hindi nating control ang ugali at galaw ng mga taong hindi natin lubusang kilala.
Nakilala ako bilang isang sexy star, nagsi-sexy sam ga pelikula, sa mga TV shows. Yun ay dahil kailangan sa role na ibinibigay sa akin, yun ang image na bagay sa akin. At sa totoo, gusto kong magkapangalan.

Pero hanggang sa trabaho o role lang po ang pagpapa-sexy ko, dahil pag wala na po ako sa harap ng kamera o trabaho, I make it appoint na balot na balot ako at hindi nakalabas ang mga parte ng katawan kong puwedeng dahilan para magkaroon ng pagkakataong mabastos ako, sexual assault o verbally-sexualized.

May mga pagkakataong nasasabihan ako na “ang ganda mo, ang sexy mo, gustong halikan”, karamihan ay sa mga taong hindi ko kilala. Oo, nahawakan na ako sa boobs, sa maraming tao na hindi maiiwasan lalo’t pinagkakaguluhan ka nang mga fans.

Hindi rin kasi ako palalabas ng bahay, trabaho at bahay lang ako noong nagsi-sexy ako. Pumupunta lang ako sa mga parties o bar pag may okasyon sa mga kaibigan ko. Pero madalang na super-sexy ang suot ko na halos kita na ang kaluluwa ko.

Ilang beses na akong nag-show sa UAE at doon bawal ang mga sexy outfit. Kahit spaghetti strap na damit o shorts.

Kailangan mong sumuod dahil kung lalabag sa kanilang batas, mapapa-deport ka or makukulong. Ganon ang pagpapahalaga nila sa parte ng katawan ng mga babae.

Hanggang ngayon, ganon pa rin ang practice ko na kung hindi rin lang importante, sa trabaho, sa okasyon hindi ako magsusuot ng mga revealing outfit.

Sa paniniwala ko kasi hindi ako magbibigay ng pagkakataon sa kahit na sinong lalake na pag-intresan ako o gawan ako ng kahalayan dahil nagsuot ako ng sexy o private parts revealing outfit