Mga ka-Misteryo nakaranas na ba kayo na biglang kumalas ang katawang-astral ninyo nang biglang may humatak nito at nag­lakbay ka sa labas ng iyong katawan?

Ito ay kuwentong karanasan ng astral projection o Out-of-Body-Expe­rience OBE ni Lloyd ng Rizal na idinulog sa #Misteryo.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Napuyat sa mga gawaing bahay pagkagaling sa trabaho si Lloyd kaya’t halos hindi na niya maimulat ang kanyang mga mata ng pasado alas-3:00 nang mada­ling-araw at paghiga ay tulog kaagad.

Hindi nagtagal sa kanyang pagtulog ay naramdaman niyang may biglang humawak sa kanyang braso, hinatak siya at lumabas sa natutulog niyang katawang lupa.

Hindi na bago kay Lloyd ang astral projection pero ‘yon ang unang pagkakataon na may humatak sa kanyang astral body palabas ng kanyang katawang-pisikal.

Inusisa ng #Misteryo ang naranasan ni Lloyd paglabas ng kanyang katawang-pi­sikal.

Misteryo: “Sabi mo may humatak sa astral body mo, nakita mo ba? Anong feeling nang paglabas ng astral body sa katawang pisikal?”

Lloyd: “Hindi ko nakita kung sino humatak. Magaan sa kalooban pag nakakalabas ng katawang-pisikal at may kakaibang kasiyahan kaya hindi na ako takot.”

Misteryo: “Bakit? Noon bang unang naranasan mo ang astral projection/travel ay natakot ka?”

Lloyd: “Naku! Oo grabe takot ko akala ko patay na ko kasi nakita ko katawan kong nakahiga. Nagdasal pa ko noon sa Diyos na sana ‘wag muna ako kunin kasi nagpapaaral pa ako ng mga anak ko. Kaya ayon balik agad ako.”

Misteryo: “Itong huling astral projection mo o OBE, Ano ang nakita mo may pinakita ba sa iyo kaya dinala ka sa ibang lugar o kaya ibang dimensyon?”

Lloyd: “Naku matatawa ka ipinakita sa akin ang kaluluwa ng namayapa kong alagang pusa na mahal na mahal namin sa bahay. Ipinakita niya sa akin ang marami niyang kasamang kuting at miming. Parang ipinakita niya sa akin na ginampanan niya ang kanyang tungkulin para nakatulong sa kanyang kapwa.”

Misteryo: “Wow naman at sweet pala ang alaga ninyo kahit nasa kabilang buhay na nagpakita siya sa iyo.

Paalala lang mga ka-Misteryo, mainam na mag-astral nang hindi sinasadyang gawin maliban na lamang kung sanay na kayo at eksperto.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at archive.abante.com.ph.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

15 + 12 =