Dahil sa lumaganap na pakikipaglaban ng marami para matanggal ang racism sa mundo, biglang inakusahan ang Glee star na si Lea Michele ng pagiging bully at racist sa set ng kanilang TV series noon.

Nagsimula ang lahat sa isang tweet ni Lea ng pagsuporta nito sa #BlackLivesMatter protest. Pero kinontra ito ng co-star niya sa Glee na si Samantha Ware at sinabing isa itong hypocrite.

“Remember when you made my first television gig a living hell?!?! Cause I’ll never forget. I believe you told everyone that if you had the opportunity you would ‘s— in my wig!’ amongst other traumatic microaggressions that made me question a career in Hollywood,” reply ni Samantha sa tweet ni Lea.

Dahil sa issue of bullying and racism, binitawan si Lea ng ini-endorse nitong produkto.

Post ni Lea sa Instagram, di raw niya matandaan ang incident na inalipusta niya si Samantha sa set. Pero nagpatunay ang ilang nakatrabaho ni Lea, hindi lang sa Glee, kundi sa iba’t ibang shows nito tulad ng Scream Queens, The Mayor at sa stage play na The Awakenings, tungkol sa pagiging bully at racist nito.

Kabilang sa mga nagsalita ay sina Heather Morris, Amber Riley, Alex Newell, Gerard Ganonico, Dabier Snell, Melissa Benoist at Abigail Breslin. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 − 7 =